
“MISYON NG IGLESIA”
Ang huling mga Salita ng ating Panginoong Hesus ang Siya namang panimula ng misyon ng Kristiyano. Sinabi Niya, “Ibinigay na sa Akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad Ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-uutos Ko sa inyo. Tandaan ninyo: Ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan (Mateo 28:18-20).” Ang “Great Commission” na ito ang siyang dahilan kung bakit naitatag ang Iglesia. Ito din ang pinakadahilan kung bakit nagpapatuloy ang Iglesia sa kabila ng maraming mga hadlang, suliranin at mga kaaway ng krus ni Kristo.

Sa pagkalathala ng “Alituntunin sa mga Gawaing Pagmimisyon” ng Imus Unida Church ay ipinahayag natin na ang Imus Unida Church ay isang Iglesia na gaganap ng Misyon na itinagubilin ni Kristo Hesus. Hindi lamang ito makatutulong sa pagsasaayos ng mga gawaing may kaugnayan sa pagmimisyon kundi isa rin itong hudyat sa paglago ng ating Iglesia. Ganito ang nangyari sa Iglesia sa Jerusalem…bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas! Ang lahat ng mananampalataya ay humahayo at nagdidisipulo. Ito ang ating pangitain(vision);
Purihin ang Diyos! Hallelujah!
Sumasainyo kay Kristo,
Imus Unida Christian Church
(excerpts from Imus Unida Mission Policy)
Bilang isang Iglesia, marapat nating bantayan ang ating mga gawain at patunguhin kung ito ba ay naaayon sa Misyon na iniwan at itinagubilin sa atin ng ating Panginoong Hesukristo. Ang Misyon ng Iglesia ay ebanghelisasyon at pagdidisipulo. Magagawa niya ito sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu (Gawa 1:8). Walang dapat ipangamba ang Iglesia sapagkat ipinangako ni Hesus na kasama natin Siya at ipinapanalangin din Niya ang lahat ng ibinigay
sa Kanya ng Diyos Ama, lahat ng binigyan ng buhay na walang hanggan, na walang iba kundi ang Iglesia (Juan 17:2).
IMUS UNIDA CHRISTIAN CHURCH
Imus Unida Christian Church
Copyright 2007-2008, UCC, All Rights Reserved.